
kung sinuswerte ka nga naman oo..
December 20, 2007sinong mag-aakala na napupulot na lang ngayon ang i-pod nano na 2GB?
ako din. ni hindi pumasok sa hinagap ko yun.
pero kung di nga naman talaga ako sexy, este, sinuswerte, nakapulot talaga ako ng nano. well, kung may mapagsosolian ako, di ako magdadalawang isip na isoli yun, kaya lang, mukang para sa akin talaga yun. isipin mo na lang, napulot ko sya sa harap ng isang banko malapit sa ayala alabang village. gabi. walang masyadong ilaw. walang tao. WALANG GWARDYA.
banko na may ATM na walang gwardya.
anak ng pating. naghintay ako ng ilang minuto at nagbabakasakaling may taong babalik dun para hanapin yun pero wala. at wala pa rin yung gwardya. siguro nag CR o nanghingi ng yosi sa gwardya sa kabilang building o di kaya naman nagpaload.
kailangan ko ng umalis dahil may pasok pa ako. at madilim sa lugar na yun at baka mapano pa ako.
so umalis na lang ako habang naiisip-isip ko na “akin ka na ba talaga?”
hmmm.. kelan kaya ako makakapulot ng laptop, DSLR at creative?
178